Madalas nating marinig sa balita ang mga salitang "naghuhuramentado" at "nag-aamok." Ang una ay galing sa juramentado, wikang Kastila para sa mga taong "binigkis ng panunumpa" ng kanilang pananampalataya. Ikinabit ito sa mga mandirigmang Moro na handang ibuwis ang sariling buhay para sugpuin ang paglaganap ng Kristiyanismo. Samantala, ang ikalawa naman ay galing sa amuk, wikang Malay para sa mga taong nanunugod nang walang kaabag-abag at nag-aapoy sa galit ang mga mata. Para sa media, iisa ang kahulugan ng dalawang salitang nabanggit gayong may historical at political na ugat ang una--ibig sabihin, kagitingan at katapangan--at ang ikalawa ay psychological--ibig sabihin ay pagkawala ng sariling bait ("nagdidilim ang paningin"/"nawawala sa sarili"). Kaya kapag nagwawala o nag-eeskandalo ang isang tao, sinasabing "naghuhuramentado" at "nag-aamok." Kung mayaman naman ang nagwawala, ang tawag sa kanya ay "bipolar." Hindi ba ganyan din ang mga tsismis tungkol kay Claudine Barretto lalo na noong maganap ang isang insidente sa bangko? ("Claudine Barretto "loses" account balance at a bank; money mysteriously disappears as she's about to withdraw it" - http://www.pep.ph/news/31647/claudine-barretto-loses-money-at-the-bank-money-mysteriously-disappeared-when-she-was-about-to-withdraw) Ayon sa artikulong nabanggit, galit na galit diumano si Claudine sa nangyari at maririnig pa sa isang video ang pagtataas niya ng boses. Kaya hindi na ako nagtaka kung tinaasan man niya ng boses ang empleyado ng Cebu Pacific. Sabagay, kung sa akin man mangyari ang insidente (9 sa 11 bagahe nila ay hindi isinabay sa eroplanong sinakyan nila) ay hindi ko rin maiiwasang mapikon. Ang kapal din naman kasi ng mukha ng Cebu Pacific para hindi sila abisuhan at sabihing normal lang ang ginawa nila. May termino pa nga raw dito -- "offloading policy" -- kaya hindi ito krimen. Sa kabilang banda, halata namang scoop ang gusto ni Mon Tulfo. Sabi nga niya, isusulat niya ang insidente (pagrereklamo ni Claudine; pagmumura sa empleyada; paghahanap sa manager maging sa may-ari ng Cebu Pacific na si Gokongwei). Irate customer ang peg ni Claudine. Nagbayad siya sa serbisyo ng Cebu Pacific na palpak naman (hindi lang naman ito ang kapalpakang ginawa ng Cebu Pacific ngayong unang bahagi ng taon--alalahanin 'yung insidente ng matandang pinaglakad nila sa tarmac dahil may bayad ang kanilang wheelchair). Bistado naman talaga si Mon Tulfo. Huwag niyang sabihing hindi niya kilala sina Claudine Barretto. Huwag siyang magtanga-tangahan dahil, unang-una, isa siyang journalist (journalist nga ba?) kaya inaasahang malawak ang kanyang kaalaman. Sigurado naman na pangalan ni Claudine Barretto ang ilalagay niya sa kanyang column sakaling hindi naganap ang pambubugbog sa kanya. Teka, sinabi niyang nilagay niya ang cellphone niya sa kanyang "paparazzi bag" so does that make him a self-confessed paparazzi? Ilan na bang paparazzi ang binugbog, sinampahan ng invasion of privacy at trespassing, at ikinulong? Idagdag pa 'yung pambabanta ng magkakapatid na Tulfo kina Raymart at Claudine. Sabagay, kilala na sila sa pambabanta at pagmumura sa TV man o radyo. Walang sinasanto. Kahit hindi naman talaga 'yung may kasalanan ang nakasagot ng telepono, ipinapahiya nila sa TV at radyo. Nang mahimasmasan ay todo naman ang paghingi nila ng paumanhin.
May mga ganyan ka talagang makakasalubong. Mga dugong aso. 'Yung kumakain daw ng aso kaya ugaling aso. 'Yung kapag nakasagupa mo sa kalsada ay baka hindi lang mura at panunutok ng baril ang aabutin mo. Karamihan pa sa mga ganyan ay mga may matataas na ranggo sa militar o kamag-anak ng militar o pulis. Clinical daw ang ganyan. Binansagan pa ngang "rage syndrome." Mas malala kaya ito sa pagiging bipolar? Nasa dugo kaya ito? Nasa kiwang ng utak? Nasa kinakain? Sa init? O dahil sa malapit ang buwan sa mundo (tulad noong supermoon) kaya marami ang nabubuang (lunatic) o nag-aasal mabangis na hayop (lycanthrope)? Ang hindi nakakatawa ay mas pinagtuunan pa ng pansin ang insidente at binansagan pang "Thrilla in NAIA." Pansinin ang paliwanag sa artikulong "Headlining Trivia" (http://www.cmfr-phil.org/2012/05/07/headlining-trivia/). Kasama sa mga element/katangian ng balita ang human interest pero tsismis nga ba ang tunay na interes ng taumbayan at hindi ang mga usapin patungkol sa kanilang mga batayang pangangailangan (food, shelter, clothing)? Bakit hindi naging headline ang hinaing ng mga mamimili dahil sa patuloy na pagtaas ng bilihin? Bakit hindi naging headline ang marahas na demolisyon? Isa pang hindi nakakatawa ang mga bansag na "montulfo," "raymart," at "claudine." Pramis, ang layo ng mga ito sa talas ng mga bansag na Marcosian, Imeldific, Eraption, at ang pinaka-recent na Noynoying. Makapagpauso lang. At ngayon, maaawa ba tayo sa bubug-saradong mukha ni Mon Tulfo o sa galos sa hita ni Claudine? Kanino na ngayon magsusumbong ang mga Tulfo? Buti na lang pala hindi nakita nina Raymart at Claudine 'yung (babaeng) kumuha ng video ng rambol at nag-upload sa youtube. Kung hindi, baka pati siya ay nabugbog.
Pero alin kaya ang totoo: Birds of the same feather flock together o Galit ang magnanakaw sa kapwa-magnanakaw?  Moral lesson: Huwag magsuot ng pink.
Sa dami naman ng mga nabasa kong opinyon tungkol dito, isa sa mga pinakamaayos ang FB status ni Fred Dabu: affected ka ng barretto-santiago vs. tulfo/s brawl dahil: a. nakaranas ka na ng palpak na serbisyo ng malalaking negosyo tulad ng sa transport industry b. nakaranas ka na ng verbal abuse mula sa nagrereklamong client/s c. na-picturan o na-youtube ka na ng labag sa iyong kalooban d. napagbawalan ka nang kumuha ng litrato/video sa pampublikong lugar sa lehitimong pagkakataon e. napagtangkaan ka nang agawan ng cell phone f. nakaranas ka na ng threat, assault o "makuyog" g. naiinis ka sa "sensationalism" ng mainstream media h. naiinis ka sa abusadong pag-uugali i. miron / usi lang na nakiki-trending j. gustong maintindihan kung bakit napaka-init na isyu nito sa kabila ng pang-araw-araw o mas mabibigat na isyu na mas apektado ka naman pero wala ka nang gaanong masabi k. naisipan pa lang o may tendency kang mag-react tulad nila sa nakakainis na sitwasyon l. all of the above Kayo, alin kayo dyan?
Anibersaryo last week ng umbrella organization na BAYAN (Bagong Alyansang Makabayan), May 5. Ang BAYAN (parang 'Ang Bayan' ang peg) ay ang legal na alyansa ng sectoral groups na ang oryentasyon ay pambansa-demokratiko. Pambansa dahil hangad nito ang pambansang soberanya at demokratiko dahil hangad nito ang genuine land reform, pakikibaka sa katutubong pyudalismo at para itaguyod ang demokratikong karapatan ng sambayanan. Ka-birthday pala ng BAYAN si Karl Marx. Katuwa 'no? Parang founding anniversary lang ng komite sentral ng Communist Party of the Philippines na birthday din ni Mao Zedong, December 26. Pati ang birthday ni Andres Bonifacio - November 30 - ay anibersaryo rin ng Kabataang Makabayan at Anakbayan. Enwey, dahil birthday ni Karl Marx, nagtanong ang Kilusang Mayo Uno kung ano ang ating favorite Marx quote.
 [Sorry, Virginia. He was not Santa Claus. Kalerks.]
Shempre nandyan na ang "Religion is the opium of the masses." Andyan na rin ang "From each according to his ability, to each according to his need." Maging ang panimula niya sa Communist Manifesto: "A specter is haunting Europe - the specter of communism." Alam kong isang poet si Karl Marx at may mga love poem pa nga siyang isinulat noon. So naghanap ako ng medyo literary ang flavor. And I found this quote: "What's sauce for the gander is sauce for the goose." Ganda! Pero ano kaya ang ibig sabihin?
Under One Small Star My apologies to chance for calling it necessity. My apologies to necessity if I'm mistaken, after all. Please, don't be angry, happiness, that I take you as my due. May my dead be patient with the way my memories fade. My apologies to time for all the world I overlook each second. My apologies to past loves for thinking that the latest is the first. Forgive me, distant wars, for bringing flowers home. Forgive me, open wounds, for pricking my finger. I apologize for my record of minuets to those who cry from the depths. I apologize to those who wait in railway stations for being asleep today at five a.m. Pardon me, hounded hope, for laughing from time to time. Pardon me, deserts, that I don't rush to you bearing a spoonful of water. And you, falcon, unchanging year after year, always in the same cage, your gaze always fixed on the same point in space, forgive me, even if it turns out you were stuffed. My apologies to the felled tree for the table's four legs. My apologies to great questions for small answers. Truth, please don't pay me much attention. Dignity, please be magnanimous. Bear with me, O mystery of existence, as I pluck the occasional thread from your train. Soul, don't take offense that I've only got you now and then. My apologies to everything that I can't be everywhere at once. My apologies to everyone that I can't be each woman and each man. I know I won't be justified as long as I live, since I myself stand in my own way. Don't bear me ill will, speech, that I borrow weighty words, then labor heavily so that they may seem light. Possibilities I prefer movies. I prefer cats. I prefer the oaks along the Warta. I prefer Dickens to Dostoyevsky. I prefer myself liking people to myself loving mankind. I prefer keeping a needle and thread on hand, just in case. I prefer the color green. I prefer not to maintain that reason is to blame for everything. I prefer exceptions. I prefer to leave early. I prefer talking to doctors about something else. I prefer the old fine-lined illustrations. I prefer the absurdity of writing poems to the absurdity of not writing poems. I prefer, where love’s concerned, nonspecific anniversaries that can be celebrated every day. I prefer moralists who promise me nothing. I prefer cunning kindness to the over-trustful kind. I prefer the earth in civvies. I prefer conquered to conquering countries. I prefer having some reservations. I prefer the hell of chaos to the hell of order. I prefer Grimms’ fairy tales to the newspapers’ front pages. I prefer leaves without flowers to flowers without leaves. I prefer dogs with uncropped tails. I prefer light eyes, since mine are dark. I prefer desk drawers. I prefer many things that I haven’t mentioned here to many things I’ve also left unsaid. I prefer zeroes on the loose to those lined up behind a cipher. I prefer the time of insects to the time of stars. I prefer to knock on wood. I prefer not to ask how much longer and when. I prefer keeping in mind even the possibility that existence has its own reason for being.
Biyernes Santong Panata Tuwing sumasapit ang Mahal na Araw, dalawang destinasyon ang madalas puntahan ng mga Pinoy: panata at pasyal. Sa marami, sinasamantala nila ang mahaba-habang bakasyon para makatakas sa papasikip nang mundong iniikutan nila araw-araw (parang hayop sa kulungan) tulad ng trabaho at pag-aaral. Panahon na para sumugod sa mga mall at resort, para umuwi sa probinsiya, at mamasyal sa iba’t ibang tourist spots sa loob at labas ng bansa. Panahon din kasi itong nagtatama ang bakasyon ng mga estudyante sa ilang araw na holiday sa trabaho ng kanilang mga magulang at kamag-anak. May iba pa nga na isang taong pinaplano ang pagbiyahe sa mga lugar na pasyalan. Panahon din ito ng pagtitika at pamamanata. May mga nag-aayuno, nagbibisita iglesia, nagbabasa ng pasyon, at nagpapapako sa krus. Minsang pasyalan ko ang isang kaibigan sa Balagtas, Bulacan isang Miyerkules Santo, nakasalubong ako ng mga nagpepenitensiya sa gitna ng matinding sikat ng araw. Nakayapak sila habang naglalakad sa gitna ng nagbabagang kalsada. May talukbong ang kanilang mga mukha at may suot na koronang tinik tulad ni Hesukristo sa tradisyon ng mga Katoliko. Hubad-baro sila habang hinahampas ng patpat o talahib ang kanilang mga likod na sinugatan na nila ng blade bago pa man magsimula ang kanilang ganap. Umiigting ang mga ganap pagsapit ng Biyernes Santo. Idinaraos ng mga Katoliko ang Siyete Palabras kung saan magsasalita ang mga who’s who ng bawat parokya. Sa hapon naman ay ipuprusisyon ang mga imahen ng Birheng Maria at ng mga santo. Sa dulo, ang karo ng patay na Hesukristo na puno ng dugo at nakahimlay sa loob ng glass casing. Maraming hiwaga ang Biyernes Santo. May mga pamahiing bawal maligo tuwing Biyernes Santo. Kung masugatan ka naman ay matagal gumaling dahil patay si Hesukristo. Tuwing Biyernes Santo kami gumagawa ng langis na panambal (gamot na pamahid—precursor ng virgin coconut oil) at nagluluto ng biko. Ang sapal na pinaglutuan ng langis ang ginagamit naming latik sa biko. Biyernes Santo kung umakyat ang mga albularyo sa Bundok Banahaw. Sa Siquijor, ang mga mananambal at mangkukulam ay umaakyat din ng bundok para manguha ng mga halamang-gamot at magdasal. May mga “nagpapakain” ng dasal o orasyon sa mga anting-anting, dupil at tagabulag para hindi tablan ng bala at taga ng itak ang may-ari nito. Sa gabi ng Biyernes Santo, maghintay ka sa ilalim ng puso ng punong saging. Hintayin mo itong bumuka at ipagkakaloob nito sa iyo ang mutya (hiyas o agimat). Tiyak na Biyernes Santo rin nang magkabisa ang mga talismang Santiago de Galicia o Birhen del Pilar ni Andres Bonifacio, ang Virgen Madre ni Antonio Luna, at Santisima Trinidad ni Emilio Aguinaldo. Maging ang grupo ni Macario Sakay ay may anting-anting para hindi tamaan ng bala. Tuwing Biyernes Santo, tinetesting din ang mga anting-anting na ito. Sa aklat na Pasyon and Revolution, idinetalye ni Reynaldo Ileto ang mistikal na kawing ng mga kilusang popular sa Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga Kastila.  [Larawan mula sa FILHISTORY.com] Maraming mountaineering group ang umaakyat ng bundok tuwing Mahal na Araw. Kahit noong panahong sakop tayo ng mga Kastila, namumundok na rin ang mga Katipunero. Mahal na Araw ng taong 1895, nagkita-kita ang mga Katipunero sa San Mateo at umakyat sa Bundok Tapusi sa Sitio Wawa, Montalban, Rizal para magkuta sa yungib ng Pamitinan at doon mamanata. Gamit ang uling, isinulat ng mga lider ng Katipunan ang kanilang mga pangalan sa pader ng yungib. Makikita roon ang lagda ni Aurelio Tolentino na may petsang Abril 10, 1895 (Miyerkules Santo). Sa kabilang bahagi naman ay ang mga lagda nina Andres Bonifacio, Emilio Jacinto, Faustino Mañalac, Francisco Del Castillo, Valeriano Dalida, Pedro Zabala, at Guillermo Masangkay na may petsang Abril 11, 1895 (Huwebes Santo). Batay sa pananaliksik ni Ileto, Abril 12, 1895—isang Biyernes Santo—nang isigaw ng mga Katipunero ang kasarinlan ng Pilipinas. Bilang tanda nito, isinulat ng mga Katipunero ang Viva la Independencia Filipinas sa pader ng yungib ng Pamitinan. Mahalagang gunitain ang pamamanata sa yungib ng Pamitinan. Ayon nga sa artikulong Balintawak: The Cry for a Nationwide Revolution, kung saan naganap ang “unang sigaw” ay doon unang isinilang ang ating nasyon. Matatandaang pinagtatalunan ng mga historyador kung ang unang sigaw ay naganap sa Balintawak o sa Pugad Lawin. Kung sa yungib ng Pamitinan naganap ang “unang sigaw”, doon unang idineklara ang rebolusyon. Napili ng mga Katipunero ang yungib ng Pamitinan dahil sa kanilang malalim na pamamanata kay Bernardo Carpio. Noong 1887, itinatag nina Bonifacio at ng kababatang si Masangkay (kasama sa mga namanata sa Pamitinan) ang El Teatro Porvenir, isang samahang nagtatanghal ng moro-moro sa Tondo. Isa sa mga paboritong ginampanan ni Bonifacio bilang aktor ang karakter ni Bernardo Carpio. Isinulat ni Jose dela Cruz o Huseng Sisiw, ang binansagang Hari ng mga Makata sa Katagalugan, ang koridong Historia Famoso de Bernardo Carpio. Laking Tondo rin si Huseng Sisiw tulad nina Bonifacio at Masangkay. Maging si Francisco Balagtas ay nagpasailalim sa kanya para mag-aral ng pagtula. Ayon kay Reynaldo Ileto, hango ang Historia Famoso de Bernardo Carpio sa komedyang isinulat ng Kastilang si Lope de Vega. Gayunman, inaawit na ng mga jongleur (mga minstrel o mang-aawit/taga-aliw noong panahon ng medieval sa France at England) ang alamat ni Bernardo del Carpio sa Kaharian ng Leon. Tungkol ito sa pakikipagsapalaran ni Bernardo del Carpio, isang bayani sa Asturias. Binigyan ni Bonifacio ng katutubong kulay ang korido at ginawang lokal ang mga pangalan at lugar. Ayon sa nilikha nilang alamat, inutos ng mga Kastila sa isang engkantado na mabitag si Bernardo Carpio sa gitna ng dalawang nag-uumpugang malalaking bato. Ang lugar na ito ay ang Bundok Tapusi kung saan naroon ang yungib ng Pamitinan. Para kina Jose Rizal, Bonifacio at sa iba pang mga Katipunero, kapag tuluyang napatid ang mga tanikala ni Bernardo Carpio, magwawakas na rin ang pang-aalipin at pananamantala ng mga mananakop na Kastila sa ating mga kababayan at mapapalitan ito ng kasarinlan at kasaganaan. Inugnay ni Ileto ang paggunita ng Biyernes Santo (kung saan patay si Hesukristo) sa paghihintay ng mga namamanatang magbalik si Bernardo Carpio. Aniya, sa sigaw na “Mabuhay ang Pilipinas!” ng mga Katipunero, ang nabubuhay ay ang ating kasarinlan. Hanggang ngayon, makikita pa rin ang isinulat nilang Viva la Independencia Filipinas sa pader ng yungib kasama ng larawan ng isang bungo na tanda ng initiation rites ng Katipunan (na may kaugnayan sa grupong Mason). Maaalala natin ang armadong pakikibaka laban sa mga mananakop na isinigaw nina Bonifacio sa yungib ng Pamitinan isang maligalig na Biyernes Santo higit isang daang taon na ang nakaraan. PAHABOL: Abril 1896 nang tumungo sa Cavite si Andres kasama ang kanyang kapatid na si Procopio at mga Katipunerong sina Jacinto, Pio Valenzuela, at Candido Tirona para magtayo ng sangay ng Katipunan sa Kawit. Iniwan ng Supremo sa Kalookan ang kanyang maybahay na si Gregoria de Jesus at ang kanilang dalawang buwang sanggol. Nang sila ay bumalik, natuklasan nilang nasunog ang kanilang bahay noong Abril 9—isang Huwebes Santo. Buti naman at ligtas ang mag-ina ng Supremo. Ngunit kasamang nasunog ang mga iningatang aklat ni Bonifacio. Kaya isang masaklap na Biyernes Santo ang kanilang binuno noong 1896. TALASANGGUNIAN: Alaras, Consolacion R., Covenant Writing, panitikan.com.ph Burton, David, The Legend of Bernardo del Carpio: from Chronicle to Drama Demetrio, Fr. Francisco, S.J. Encyclopedia of Philippine Folk Beliefs and Customs. Xavier University, 1991. Guerrero, Milagros C., et al, Balintawak: The Cry for a Nationwide Revolution, NCCA (June 06, 2003) Ileto, Reynaldo, Pasyon and Revolution, 99, 101-103 Roces, Alejandro R., Carpio and the Katipunan, Philippine STAR (April 13, 2010) mga datos mula sa http://pamitinancave.com/Cave.php, www.oocities.org/sinupan/bonifaciopro.htm at http://www.stuartxchange.org/AntingAnting.html
 [Larawan mula kay Rommel Forbes Aguilar] --------------------  [Larawan mula kay Carl Marc Ramota]
....................
Ang binasa ko kagabi sa ika-9 anibersaryo ng Kilometer 64 Poetry Collective sa Conspiracy Bar -- bilang bahagi ng tulang ito -- ay yung mismong papel na pinamamahagi ng Labor and Industrial Relations Office ng Caloocan City Manpower Training Center [hinanap ko ang TESDA pero doon ako dinala].
A Story about the Body The young composer, working that summer at an artist’s colony, had watched her for a week. She was Japanese, a painter, almost sixty, and he thought he was in love with her. He loved her work, and her work was like the way she moved her body, used her hands, looked at him directly when she mused and considered answers to his questions. One night, walking back from a concert, they came to her door and she turned to him and said, “I think you would like to have me. I would like that too, but I must tell you that I have had a double mastectomy,” and when he didn’t understand, “I’ve lost both my breasts.” The radiance that he had carried around in his belly and chest cavity-like music-withered quickly, and he made himself look at her when he said, “I’m sorry I don’t think I could.” He walked back to his own cabin through the pines, and in the morning he found a small blue bowl on the porch outside his door. It looked to be full of rose petals, but he found when he picked it up that the rose petals were on top; the rest of the bowl-she must have swept the corners of her studio-was full of dead bees. by Robert Hass
 The Poem That Was Really A List by Francesca Beard the spade that really a symbol the queen that was really a pawn the king who was really a rockstar the madman who was really god the milkman who was really dad the waitress who was really an actress the actor who was really an artist the artist who was really a pornographer the small boy who was really a helicopter the car that was really a toy the toy that was really a bribe the toy poodle that was really a baby the baby that was really a last ditch attempt a cafe latte that was really a milky coffee the soup that was really a meal in itself the studio flat that was really a bedsit the shortcut that was really a cul-de-sac the nine-to-five that was really a ball-and-chain the pain-free diet that was really a cash loss weight gain the commercial success that was really a sell out failure the check that was really in the mail the lack of interest that was really impotence the frigid cocktease that was really lack of interest the one night stand that was really a date rape the mercy fuck that was really an act of love the leaked statement that was really a press release the statistic that was really a cooked book the apology that was really an excuse the excuse that was really a "screw you" the anecdote that was really an extended slap in the face the helping hand that was really a kick in the teeth the stiff upper lip that was really a cold shoulder the last laugh that was really an own goal the little bird that was really a can of worms the fresh start that was really a wrong turn the youthful radiance that was really soft focus the race riot that was really a political protest the spiritual journey that was really an ego-trip the ego-trip that was really a spiritual journey the inner child that was really a spoiled brat a home that was really an investment the marital relations that were really a form of rent the sofa that was really a bed the park bench that was really a bed the cynic who was really a romantic the romantic who was really a sexist the sexist who was really a phobic the love that was really fear the fear that was really nothing the ending that was really nearly here
THE CURIOUS INCIDENT OF THE DOG IN THE NIGHT-TIME / Mark Haddon Php200 A SPOT OF BOTHER / Mark Haddon Php100
POEMS FOR AMERICA / anthology edited by Carmela Ciuraru Php 150 LITTLEFOOT / Charles Wright Php 120 BLACK ZODIAC / Charles Wright Php 120 DESPERATE RANSOM / Minton Parks Php100 THE MUSEUM OF CLEAR IDEAS / Donald Hall Php100 BEAUTY AND THE BEENE / Laura Jacobs Php 50
ELEGY FOR IRIS / John Bayley Php 100 BECOMING MADAME MAO / Anchee Min Php 120 LIVING BY THE WORD / Alice Walker Php 100 EAGLE POND / Donald Hall Php 100 THE BIOGRAPHER'S TALE / A.S. Byatt Php100 THE ROBBER BRIDE / Margaret Atwood Php200 DOCTOR SAX / Jack Kerouac Php400 mag-message na lang sa akin sa Facebook: http://www.facebook.com/notes/mark-angeles/im-selling-my-books-part-2/10150520267518775
Enero 20, 2001.. Dahil sa bisa ng sama-samang paghahanap ng katarungan at katotohanan, naganap ang ikalawang EDSA Uprising at nasipa si Erap. Nanumpang pangulo ang noo'y bise presidenteng si Gloria Macapagal Arroyo. Sa kanyang pag-upo sa Malakanyang, isinumpa siya hindi lang ng mga kalaban niya sa politika, kundin pati na rin ng taumbayan, dahil sa kaliwa't kanang pangungurakot niya sa kaban ng bayan. Pagkatapos ng isang dekada, "stay in" siya ngayon sa presidential suite ng Veterans, samantalang ang mga may sakit nating mga kababayan, halos magpakamatay na para makahanap lang ng pambayad sa ospital! Hindi lang siya dapat isumpa! Bitayin si Gloria! 
Attachment: BITAYIN SI GLORIA.pdf
 Suwerte ko at nakaiskor ako ng The Best American Poetry 2009 sa Booksale nung isang linggo. Nasa antolohiya ang mga tula ng mga paborito kong poet -- Billy Collins, Mark Doty, Sharon Olds, Mary Oliver, at Adrienne Rich -- pero hindi ako natuwa sa mga tula nilang napasama. May mga tula ring magkakaugnay. Hindi ko alam kung pang-aasar ito [wala na bang iba?] o pagpapatunay ng collective unconscious. Natuwa ako at binanggit ang salitang "tricycle" sa tulang "This dream the world is having about itself.." ni Carolynne Wright pero hindi ko sigurado kung 'yung traysikel sa Asya ang tinukoy niya. Maganda rin ang introduksyon ng guest editor na si David Wagoner. "Why do people write poems?" pag-uusig niya. Sa higit 70 tula sa antolohiya, isa lang ang nagustuhan ko, ang tulang "Houses" ni Jerry Harp. Houses by Jerry Harp
They’ve been around in dreams a long time now, These houses where nobody lives, hidden Along long stretches of field, accessible If you run alone down dirt and gravel roads Late in the afternoon when shadows start To sift like sand. I think you’ll know the place Better than I. Maybe you’ll finish this poem. Here’s my attempt to hand it over to you: The time. The place. The sound. They fade from me As my pen scratches across the ragged page And the cat lounges, observing every move. By the time I climb upstairs to sit before My glowing screen, how many years and days Will have gone by? But only you will know. Someone is sitting in an upstairs window, Head bent beside a desk lamp shining. You knock. No other houses show. There is no answer. You cross the dusty living room. A grove Of alder trees, entwined in vines, appears Out back - on the mantle, a clock without a face. The crickets cry their stridulation from The shade. The nighthawk with its plaintive cry And rush of wings shows up at the right time. Nothing stirs upstairs. You look in every room. The moonlight shines through a far window. Now The poem begins. The anticipated turn. The much awaited answer from the trees. Here is the moment when translation begins. from Pleiades
Occupy Ngarod! (o ang Pagtula sa Panahon ng Occupy movement) May kaibigan akong may kakaibang neurosis. Natatakot daw siyang magsulat ng tula tungkol sa kahirapan. Tinanong ko siya kung bakit. Sabi niya, baka raw husgahan siya ng mga tao dahil hindi naman siya politikal. Para sa akin, kahanga-hanga ang kaibigan kong ito. Sinusuri niya nang mabuti ang kanyang niloloob. Sa likod ng pagdududa niya sa kanyang kakayahan, naroon ang mataas na pagtingin niya sa mga politikal na tula. Baka hindi sasapat ang tula niya para mailarawan ang kahirapan at maipagtanggol ang mga inaapi. Tulad ko, laki sa hirap ang kaibigan kong ito. Kaya iyon din ang payo ko sa kanya. Isulat niya ang tungkol sa kanyang karanasan. Bilang anak ng mag-asawang manggagawa. Bilang gradweyt ng isang state university. Bilang isang guro ngayon sa pampublikong paaralan sa KAMANAVA. “We are children of our era; / our era is political,” panimula ng makatang si Wislawa Szymborska sa kanyang tulang Children of Our Era. “All affairs, / are political affairs.” dugtong pa niya. Hindi dapat maligaw ang kaibigan kong ito, dahil sabi nga sa tula ni Szymborska: Even apolitical poems are political. Lahat ng tula ay politikal. Kahit ang mga apolitikal na tula. Pinagsisilbihan nila ang kanilang amo—bitbit nila ang ideolohiya ng kanilang manunulat. Patunay ang Occupy movement sa silbi ng pagsusulat para ipaglaban ang karapatan ng mga inaapi. Sa inisyatiba ni Salman Rushdie, bumuhos ang suporta ng mga manunulat para sa Occupy Wall Street. Kabilang sa isang libong manunulat na pumirma para sa petisyon sina Margaret Atwood, Neil Gaiman, Lemony Snicket, at Alice Walker. Nitong nakaraang Nobyembre, habang nasa demonstrasyon sa UC Berkeley (kilala bilang Occupy Cal), pinaghahampas ng batuta ng mga pulis ang makatang si Robert Hass. Naganap ito nang saklolohan niya ang kanyang asawang pinadapa ng mga pulis at pinahalik sa semento sa gitna ng isang marahas na dispersal. Malinaw ang pagsasalarawan ni Hass sa nangyari sa isinulat niyang artikulo sa The New York Times: “If the students turned away, they pounded their ribs. If they turned further away to escape, they hit them on their spines.” Sa pagbisita ni Rushdie sa Nicaragua, isang bagay ang kanyang napansin. Napakaraming makata sa bansang iyon na hitik sa rebolusyon. Gusto kong sabihin kay Rushdie na dito rin sa Pilipinas napakaraming makata at rebolusyunaryo. Maipagmamalaki natin ang mga tula nina Andres Bonifacio, Amado Hernandez, Jose Corazon de Jesus at iba pa na nagsulat para sa mga inaapi at pinagsasamantalahan. Kaya nga naniniwala ako na maraming tulang maiaanak ang kampuhang ito. Apay ngarod? Bakit nga ba? Dahil ganoon ang Mendiola! ('On Poetry' lecture ko sa palihan ng CEGP sa campout sa bustillos noong dec8)
THE FOURTH HAND / John Irving Php50 THE BLUE FLOWER / Penelope Fitzgerald Php50 THE LOVE SONGS OF PHOENIX BAY / Nisa Donnelly Php50 A Spot of Bother / Mark Haddon Php100 JUNCTIONS BETWEEN FILIPINOS AND JAPANESE edited by Arnold Azurin and Sylvano Mahiwo Php100 THE BIOGRAPHER'S TALE / A.S. Byatt Php100 THE MUSEUM OF CLEAR IDEAS / Donald Hall Php100 DESPERATE RANSOM / Minton Parks Php100 PUTONG / Domingo Landicho Php100 TWISTED / Jessica Zafra Php100 TWISTED II / Jessica Zafra Php100 TWISTED V / Jessica Zafra Php100 THE ROBBER BRIDE / Margaret Atwood Php200 THE BLIND ASSASSIN / Margaret Atwood Php200 CAT’S EYE / Margaret Atwood Php200 ORLANDO / Virginia Woolf Php200 PAGSUBOK SA ILANG / Tony Perez Php200 TELL ALL / Chuck Palahniuk Php300 AMAPOLA / Ricky Lee Php300 DOCTOR SAX / Jack Kerouac Php400 http://www.facebook.com/note.php?saved&¬e_id=10150413565288775#!/note.php?note_id=10150413565288775
| |